Ano ang Teoryang Eureka?
Click to see answer
Ang wika ay sinadyang imbensyon ng mga tao upang magkaroon ng malinaw na paraan ng pakikipag-usap at pagbibigay ng pangalan sa mga bagay.
Click to see question
Ano ang Teoryang Eureka?
Ang wika ay sinadyang imbensyon ng mga tao upang magkaroon ng malinaw na paraan ng pakikipag-usap at pagbibigay ng pangalan sa mga bagay.
Ano ang Teoryang Babble Lucky?
Nagmula ang wika sa walang kahulugang tunog o 'babbling' ng mga tao, na nagkataong nabigyang-kahulugan.
Ano ang Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay?
Nabuo ang wika mula sa mga ritwal o seremonya na may kasamang sayaw at awit.
Ano ang Teoryang Yo-he-ho?
Nagmula ang wika sa mga tunog na nalikha mula sa pisikal na pagtutulungan (hal. pagbubuhat o pagtutulak).
Ano ang Teoryang Ta-ta?
Ang wika ay nagmula sa mga galaw o kilos ng katawan, na kumakatawan sa tunog o salita (hal. pagtataas ng kamay bilang 'paalam').
Ano ang Teoryang Hocus Pocus?
Ang wika ay nagmula sa mga mahiwagang seremonya at ritwal na sinamahan ng mga tunog para kontrolin ang kapaligiran.
Ano ang Teoryang Pooh-pooh?
Nagmula ang wika sa tunog na nagpapahayag ng damdamin (hal. pag-iyak, pagtawa).
Ano ang Teoryang Sing-song?
Nagmula ang wika mula sa mga tono at himig ng mga salita, na tila malapit sa musika.
Ano ang Teoryang Ding-dong?
Nagmula ang wika mula sa mga tunog na likha ng mga bagay sa paligid (hal. tunog ng kampana o bato).
Ano ang Teoryang Bow-wow?
Nagmula ang wika sa paggaya ng tunog ng kalikasan (hal. tahol ng aso, tunog ng hangin).
Ano ang Teoryang Coo-coo?
Nagmula ang wika sa mga tunog na ginagawa ng mga bata o sanggol.
Ano ang Teoryang Yum Yum?
Nagmula ang wika sa mga kilos ng katawan, lalo na sa galaw ng bibig na may koneksyon sa paggawa ng tunog (hal. galaw ng bibig habang kumakain o umiinom).